Bilang ng biktima ng paputok, 72 na

HINDI pa man sumasapit ang pagsalubong sa Bagong Taon ay pumalo na sa 72 katao ang bilang ng mga nabibiktima ng paputok.

Nabatid na 71 sa mga ito ay nasugatan dahil sa paggamit ng paputok habang ang isa naman ay tinamaan ng ligaw na bala.

Ayon sa Department of Health (DOH), karamihan sa mga naitalang insidente ay mula sa National Capital Region (NCR).

Napag-alaman din na karamihan sa mga naputukan ay pawang mga lalaki.

Pinakabata namang nabiktima ng paputok ay isang siyam na buwang sanggol sa Leyte.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply