Bilang ng biktima ng paputok umakyat sa 108

DOH

IPINAHAYAG ngayon ng Department of Health (DOH) na umakyat na sa 108 ang bilang ng mga biktima ng papatok simula Disyembre 21 hanggang Disyembre 26.

Ayon kay Health Assistant Secretary Eric Tayag, sa naturang bilang, 23 ay nasugatan sa mata at iba sa mga biktima ang iniulat na mabubulag.

Kahapon (Miyerkules, Dis. 26), umabot sa bilang na 72 ang inulat na biktima ng paputok

Sinabi ng opisyal na ang bilang ng mga biktima ay mas mababa kung ikukumpara sa nakalipas na taon. Noong taong 2011, 147 firecracker at stray bullet injuries ang iniulat sa kaparehong petsa.

Ayon kay Tayag, ang DOH, sa tulong ng Philippine National Police, ay patuloy sa pagpapaigting sa kampanya kontra paputok at stray bullets kahit na patuloy ang pagbaba ng bilang ng mga nabibiktima ng paputok.

“Malaki na ang ibinaba simula dekada ’90,” ani Tayag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply