Bilang ng illegal allien ngayong 2012, tumaas

KINUMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) na tumaas ang bilang ng mga illegal alien na nadakip ng intelligence division ng Bureau of Immigration ngayong 2012.

Ayon kay Immigration Commissioner Ricardo David, Jr. triple ang itinaas sa bilang ng mga dayuhang lumabag sa batas ng Pilipinas kumpara noong 2011 na naitala lamang sa 153.

Ang kabuuang 653 foreign nationals ay nadakip at ikinulong dahil na rin sa lantarang paglapastangan sa batas ng bansa.

“All of them were detained at the BI detention center in Bicutan, Taguig and subsequently charged for violating our immigration laws”, ayon sa commissioner.

Gayunman, karamihan naman sa mga dayuhang nadakip ay naipatapon na sa kani-kanilang mga pinanggalingang bansa.

Bukod dito, inilagay na rin sila sa listahan ng undesirable aliens.

Mayorya naman aniya sa mga dinampot ay sangkot sa cybercrimes..

Katuwang ng ahensiya sa pagtugis sa mga illegal alien ay ibang law enforcement agencies kabilang dito ang Philippine National Police, National Bureau of Investigation (NBI) at ang Presidential Anti-Organized Crime Committee.

Pinakamarami sa listahan ay mga Taiwanese (390) kasunod ang Chinese (137) 32 ang Koreano at 25 naman ay mga Kano.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply