Bilang ng naputukan umakyat sa 164

DALAWANG araw bago magpalit ng taon, umabot na sa 164 ang tinamaan ng paputok habang isa ang tinamaan ng ligaw na bala.

Sinabi ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, 97 sa naturang bilang ay naputukan ng piccolo.

Naitala naman ang pinakamaraming kaso sa Metro Manila na umabot na sa 82.

Mas mababa pa aniya ang 164 kaso ng naputukan kung ihahambing sa naitala noong isang taon.

Patuloy pa rin ang paalala ng DOH na gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay imbes na magpaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply