Bilang ng OFW na boboto sa 2013 polls tumaas

DFA

UMAKYAT sa halos isang milyong ang bilang ng mga overseas Filipino worker (OFW) na boboto para sa 2013 midterm elections.

Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), umabot sa 988,384 ang nakapagparehistrong Pinoy mula sa iba’t ibang bansa kumpara sa halos 600,000 noong 2010 presidential elections.

Sinabi ni DFA spokesman Raul Hernandez na patunay lamang ito na maraming Pilipino ang handang maki-isa sa halalan para sa pagbabago sa pamahalaan.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply