Binata arestado sa panghahalay ng kapitbahay

ARESTADO ang isang binata sa panghahalay sa kapitbahay na dalagita sa Caloocan City kaninang madaling araw, Disyembre 8.

Nahaharap sa kasong rape in relation to child abuse si Junrey Luna, 22 ng Jordan st., Jordan Heights, Llano ng lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-12:20 ng madaling araw, niyaya ng suspek sa loob ng kanilang bahay upang kumain ang dalagitang kapitbahay na edad 16.

Nang nasa loob na ay nagawang mahalay ng suspek ang biktima kung saan hinahanap na ang huli nang kanyang ina.

Nalaman ng ina ng biktima na kasama sa loob ng bahay ng suspek ang anak ay agad na humingi ng tulong sa mga pulis at ipinadakip si Luna.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply