Binata binoga, dedo

bangkay-4

TODAS ang isang binata makaraang barilin sa harap ng mga kaibigan ng isa sa apat na suspek sa Antonio St., Barangay 19 Caloocan City, Huwebes ng madaling araw.

Dead on arrival sa Tondo Medicel Center si Mario Magalona, 19, kasapi ng Caloocan Blood Society gang at residente ng 2nd Avenue BMBA compound ng lungsod.

Si Magalona ay nagtamo ng isang tama ng bala ng kalibre 38 sa kanang bahagi ng tiyan na siyang tumapos sa kanyang buhay.

Arestado naman ang isa sa apat na suspek na si Rodolfo Delor, 13, estudyante, habang nakakalaya pa ang master mind sa krimen na si Louie Leano, 22, ng 160 BNBA compound 3rd Ave at dalawang hindi pa nakikilalang kasamahan ng mga ito. Ang apat ay pawang miyembro ng grupong Kalookan Thauw Sendecate.

Base sa pinagsanib na imbestigasyon nina P03 Joel Montibon at P02 Cesar Garcia ng Station Investigation Division (SID) ng Caloocan police, dakong alas-5:30 kaninang madaling araw nang maganap ang insidente sa kahabaan sa nasabing lugar.

Nabatid, nagsimbang gabi ang biktima at ang kasamahan nitong sina Allysa Seychelle Dino, 17 at Mary Joy Magalona, kapatid ng nasawi. At habang sila ay naglalakad sa nasabing lugar hinarang sila ng mga suspek na armado ng baril at patalim.

Sa ikinasang follow up operation ng awtoridad ay nasakote si Delor at nakumpiskahan ng patalim habang nakasibat ang iba pa na tinutugis na ngayon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply