Binata dedo, pinsan sugatan sa kainuman

crime6

PAtAY ang isang binata habang malubhang nasugatan ang pinsan nito makaraang pagsasaksakin ng kanilang kainuman sa Camias St., Bukid Area Malaria Caloocan City, Lunes ng madaling araw.

Dead on the spot si Josel Pulga, ng Camias St., Malaria, ng lungsod sanhi ng mga tinamong saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Inoobserbahan naman sa hindi pa batid na ospital ang pinsan ni Pulga na si Ryan.

Tumakas naman agad ang suspek na nakilalang si Jun Tunero, ng nasabi ring lugar dala ang kutsilyong ginamit sa krimen

Ayon sa ulat dakong alas-4:20 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa nasabing lugar.

Nag-iinuman ang mga biktima at suspek at sa hindi malamang dahilan ay nagkaroon nang mainitang pagtatalo na humantong sa pananaksak ng huli sa biktimang nasawi.

Tinangka naman ni Ryan na tulungan ang pinsan subalit siya naman ang pinagbalingang saksakin ng suspek.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng awtoridad at inalaman ang motibo sa nasabing insidnete.

Naglatag na rin ng manhunt operation para sa ikadarakip ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply