Binata ninakawan na, minolestiya pa

HINDI pa nakontento ang 20-anyos na magnanakaw nang molestiyahin pa ang isang negosyante sa Barangay Langgam, San Pedro, Laguna.

Nabatid sa biktima na itinago ang pangalan sa Jake, pinasok ng suspek ang kanyang silid habang mahimbing siyang natutulog.

Nagising na lamang aniya siya nang maramdamang may sumusubo sa kanyang ari.

Nabatid na bago ang pangmomolestiya, ninakawan muna ng suspek ang biktima ng cellphone, pera, driver’s license at iba pang mahahalagang gamit.

Nadakip naman ang suspek na si Tony Dela Cruz, walang trabaho at residente ng nasabing lugar, nakakulong na sa Laguna PNP.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply