Binata sinaksak tigbak

DEDO ang isang laborer matapos itong pagtulungan saksakin ng apat na kalalakihan habang bumili ng pagkain sa tindahan kaninang madaling araw sa Brgy 12, Caloocan City.

Dead on arrival sa Presidente Diosdado Macapagal Medical Center si Richard Villahermosa y Prado, 19, binata, ng Blk 32 Langaray extention ng lungsod sanhi ng maraming saksak sa likuran.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin na nakilala lamang sa mga alyas na Mark, Erick at mga bakal boys ng Brgy.14, Caloocan.

Ayon sa ulat, ganap na alas 2:45 kaninang madaling araw ng pagsasaksakin ang biktima sa tapat ng kanilang bahay sa nasabing lugar.

Nabatid na bumili ng pagkain sa isang tindahan ang biktima at habang binubuksan nito ang kanilang gate palihim na linapitan ng mga suspek at walang gatol na pinagsasaksak sa likuran.

Bago maganap ang krimen nagkaroon muna ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng Villahermosa at ng kapitbahay nitong si Zaldy.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad kung may partisipasyon si Zaldy sa krimen dahil ang mga salarin ay mga kaibigan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply