Binata, todas dahil sa tsinelas

PATAY ang isang 22 anyos na binata nang pagsasaksakin ng isang lalaki na kanyang nakaaway dahil lamang sa isang pares ng tsinelas sa Tondo, Maynila kagabi.

Nakilala ang biktima na si Larry Zanira ng Daang Bakal corner Batangas Sts., Tondo sanhi ng saksak sa katawan.

Tinutugis naman ang suspek na si Ian Montecillo na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 11:30 ng gabi nang naganap ang pananakasak sa Antipolo St malapit sa Jose Abad Santos Ave., Tondo, Maynila.

Nauna dito, naglalakad ang biktima nang pagsapit sa nasabing lugar nang nakakita ito ng isang pares ng tsinelas.

Tinangkang damputin ng biktima subalit pinigil ng suspek na humantong sa kanilang mainitang pagtatalo hanggang sa walang sabi-sabing pagsasaksakin nito sa tiyan gamit ang isang basag na bote ng beer.

Matapos ang pananaksak at tumakas ang suspek sa direksiyon ng Jose Abad santos.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply