Binata todas sa parak sa Caloocan City

crime3

TODAS ang isang binata matapos makipagbarilan sa pulis sa Caloocan City, kagabi, Disyembre 12.

Dead on arrival sa Manila Central University si Joven John Rarugal, 20 ng Adelfa St., Bagong Barrio ng lungsod, sanhi ng dalawang tama ng bala sa katawan.

Sumuko naman sa mga kabaro si SPO2 Venancio Santiago, 45 ng D. Arellano st., Bagong Barrio ng lungsod at nakatalaga sa District Special Operation Unit ng Northern Police District.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng gabi, dalawang grupo ang nagsalpukan sa D. Arellano kung saan lumabas si Santiago upang alamin.

Nakasalubong ng pulis si Rarugal na may dalang pen gun na naging dahilan upang sitahin ng una subalit nagpaputok ang huli.

Dahil dito, napilitang gumanti ng putok ang pulis na ikinabulagta ni Rarugal.

Dinala ang binata sa MCU habang sumuko naman si Santiago sa mga kabaro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply