Binata tumalon sa tulay, agaw-buhay

INAALAM ng pulisya kung sadyang tumalon o aksidenteng nahulog mula sa tulay ng Guadalupe ang isang lalaki na kasalukuyang agaw buhay sa pinagdalhang ospital sa Makati City.

Kasalukuyang inaalam pa ng mga tauhan ni Makati police chief Sr. Supt. Manuel Lukban ang dahilan ng pagkakahulog ng biktima na duguang natagpuang nakahandusay sa kahabaan ng J.P. Rizal matapos mahulog sa tulay dakong alas-10 ng umaga.

Hinala naman ng mga imbestigador na nagtangkang magpatiwakal ang lalaki dahil ilang mga saksi ang nakakita na nagtakip pa ng kanyang mga mata ang biktima bago ito umupo sa gilid ng tulay ng Guadalupe dakong alas-10 ng umaga.

Ang biktima na tinatayang nasa edad na 20-taong gulang, may katamtamang pangangatawan at nakasuot ng asul na t-shirt at asul na jogging pants ay hinihinalang isang estudyante dahil may tatak na P.E. uniform ang kanyang suot na damit.

Sinabi ni Makati police chief Sr, Supt. Manuel Lukban na kaagad na isinugod ng mga tauhan ng Makati Rescue team sa Ospital ng Makati ang biktima matapos itong mahulog na una ang leeg.

 

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply