Binatang problemado sa nobya, lumaklak ng lason

MUNTIK matuluyan ang buhay ng isang binata matapos uminom ng lason dahil lamang sa problema sa kanyang nobya sa Zamboanga City kagabi.

Nabatid sa ina ng biktima na sa kanilang mismong bahay sa Barangay Sta. Catalina  uminom ng muriatic acid ang kanyang 22-anyos na anak na itinago sa pangalang Dindo dahil lamang sa problema sa kanyang nobya.

Ang biktima ay estudyante sa isang kolehiyo sa lungsod na nasa mabuti nang kalagayan.

Nabatid na ilang araw bago nangyari ang tangkang pagpapakamatay ng biktima ay nakita itong malungkot dahil sa pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kanyang nobya na isa ring estudynte.

Ayaw umanong makipag-usap ng binata at palaging tahimik subalit hindi naman akalain ng kanyang pamilya na tatangkain nitong magpakamatay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply