Binatilyo binoga, sabog ang bungo

bangkay-4

SABOG ang bungo ng isang 15-anyos na binatilyo matapos barilin ng nakaasarang grupo ng kabataan pagkatapos ng simbang gabi sa Tondo, Maynila, Lunes ng madaling araw.

Isinugod pa sa Mary Johnston Hospital ang biktima na si Bryan Kenneth Cali, ng Choco St., Tondo, Maynila ngunit idineklarang dead on arrival.

Nakatakas naman ang kaalitang grupo ng kabataan na nasa 40 ang bilang matapos ang insidente.

Ayon kay PO3 Rodel Benitez, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:00 kaninang umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Sta. Maria sa Moriones, Tondo, Maynila.

Nabatid na kagagaling lamang sa misa sa Simbang Gabi sa Sto. Nino Church ang grupo ng biktima at nang suspek nang magkairingan at nauwi sa kaguluhan at pamamaril.

Sa imbestigasyon, habang nasa simbahan pa umano ang magkabilang grupo ay nagkakantiyawan na ang mga ito kaya naman nang matapos ang misa ay naunang umalis ang grupo ng suspek at nag-abang sa nasabing lugar.

Hindi naman namukhaan at nakilala ng grupo ng biktima ang mga suspek dahil mabilis na nagsitakbo ang mga ito.

Patuloy ang imbestiagsyon ng pulisya sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply