Binatilyo patay sa bakal boys

PATAY ang isang binatilyo matapos pagtulungan pagsasaksakin ng Bakal Boys na buwelta nang sawayin ng pamilya ng una ang kaibigan ng mga huli dahil sa pag-iingay sa Caloocan City kaninang madaling araw, Disyembre 21.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa likod si Richard Villahermosa, 19 ng Langaray ng lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na sina alyas Mark, alyas Enricks at dalawang hindi pa kilalang mga kasama sa Bakal Boys.

Sa ulat, dakong alas-2:45 ng madaling araw, nagutom ang biktima at lumabas ng bahay upang bumili ng makakain at habang isinasara ang gate ng kanilang bahay ay sumulpot ang mga suspek at pinagtulungan pagsasaksakin ang una.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC.

Nabatid na bago ang insidente ay sinaway ng pamilya ng biktima ang kagrupo ng mga suspek na si alyas Zaldy dahil sa pag-iingay na naging dahilan upang buweltahan ang biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply