Binatilyong pumatay sa doctor, nahatulan ng 17 taong pagkakakulong

behind-bars-3

SININTENSYAHAN ng 17 taong pagkakakulong ang isang binatilyong pumatay kay Dr. Andres Gumban sa bahay nito sa Bacolod City noong Mayo 10, 2012.

Sa 8-pahinang desisyon ni Bacolod Judge Ray Alan Drilon, napatunayan na ang akusado ay guilty sa May 10, murder na hindi lang makukulong ng 17 taon kundi babayarin din nito ang mga naiwan na pamilya ng biktima na halagang P75,000 bilang danyos.

Nagpasok ang naturang binatilyo ng not guilty plea nang basahan ito ng sakdal noong nakaraang Hulyo 2.

Pero dahil ang akusado ay isang menor de edad, sakop siya ng Republic Act 9344 o ang Juvenile Justice Welfare Act.

Ayon kay Filomeno Tan, ang legal counsel ng pamilya Gumban, hindi agad didiretso sa kulungan ang nasabing menor de edad at imbes ay dadalhin ito sa Regional Youth Rehabilitation Center sa Guimaras hanggang sa siya ay maging 18-anyos.

Idinagdag pa ni Tan na ipinakasa na niya ang isang disposition conference para sa minor’s verdict sa Enero 18, 2013, mga kondisyon na kailangan niyang sundin habang siya ay nasa rehabilitation center ay pag-uusapan pa.

Kung sumunod ang naturang menor sa mga kondisyon sa disposition conference at lumabas na siya ay nagbago na, maari siyang mapalaya imbes na isilbi abng kanyang sintensya kapag umabot na siya sa 18 anyos.

Ayon naman sa mga kaibigan ng biktima ang verdict ay hindi patas dahil maari palang makalaya ang suspect.

Matatandaang sinaksak ang biktima ng 35 beses sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos pasukin ang bahay nito sa Regent Pearl Homes Subdivision noong Mayo 10,ng nasabing menor de edad at isang Pascual na ngayon ay dinidinig pa ang kaso.

Kinunan pa ng videotaped ang nasabing pagpatay sa pamamagitan ng kanyang celllphone. Ang naturang video footage ay narekober ng pulisya t iprinisinta bilang ebidensiya sa pagdinig.

Nakilala ni Gumban ang menor de edad na suspect sa Facebok.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply