Binay nanawagan ng donasyon para sa bibitaying OFW

NANAWAGAN sa lahat ng sektor ang pangalawang pangulong Jejomar Binay upang makalikom ng pondo para maisalba sa bitay ang isang OFW sa Saudi Arabia.

Kailangan umano ng halagang P44 milyon bilang blood money para mailigtas sa tiyak na kamatayan ang OFW na si Joselito Zapanta ,kung saan sa Marso ng taong 2013 ay ipatutupad na ang hatol ditong bitay kung hindi mabibigay ang naturang blood money.

Sa mensahe ni Binay sa sambayanan sa pagdiriwang ng pasko , idinulog niya sa publiko ang kapalarang naghihintay kay Zapanta ,na tubong Bacolor Pampanga , at ang magagawa ng sambayanan kung magkakaisa upang isalba ang OFW.

Iniulat din nito na isang “good samaritan” ang nagbigay ng donasyon ng P1 million, Habang ang Blas F. Ople Center ay nag-organisa ng christmas party ng mga OFW at nakalikom din ng tulong para sa blood money. Una rito ang provincial government ng Pampanga ay naglunsad na ng fund drive.

Nagdeposito rin ng salapi ang pamahalaan ng PIlipinas sa Saudi Arabia ng katumbas na P4 million na siyang standard na halaga na ibinibigay na tulong para sa mga kaso na may kaugnayan sa blood money cases kung sakaling mag-qualify.

Ang 33-anyos na si Zapanta ay nagtrabaho sa Saudi noong 2007 bilang tile setter at pagkalipas ng dalawang taon ay napatay ang Sudanese landlord dahil sa away.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply