BIR examiner niratrat, todas

crime3

BUMULAGTA sa loob ng kotse ang isang examiner ng Bureau of Revenue (BIR) nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Pangasinan kaninang madaling araw (Disyembre 22) sa Calasiao, Pangasinan.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala mula sa kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Antonio Mesina, 59-anyos at residente ng Barangay Longos sa nabanggit na bayan .

Wala pang ideya ang Calasiao PNP kung sino ang nasa likod ng pamamaslang sa biktima pero naniniwalang may kaugnayan ang krimen sa trabaho ni Mesina.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 12:35 ng madaling araw sa isang bisinidad sa Calasiao.

Bago ito, nabatid na pauwi na ang biktima at minamaneho ang kanyang kotse nang buntutan ng mga suspect na sakay ng motorsiklo.

Pagsapit sa lugar, dinikitan ng mga suspect ang kotse ng biktima bago ito pinagbabaril at saka sumibast sa hindi malamang direksyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply