Bistado si Esposo at obligasyon ng Subic water

ito ang totoo

TINAWAG niyang “prostitute” ang Subic Media dahil sa expose sa umano’y pagtatapon ng Glenn Defense Marine Asia ng hazardous waste sa Subic Bay.

Pati si Senator Loren Legarda ay binatikos niya sa ginawang Senate inquiry nito kaugnay ng isyu.

Ito Ang Totoo: kaya pala ganoon na lang ang pagtatanggol sa Glenn Defense ni William Esposo, kolumnista ng Philippine Star, kliyente ang Glenn Defense ng PR Firm ng kapatid niyang si Carolyn Esposo-Espiritu.

Milyon-milyong piso ang ginagastos ng Glenn Defense para pagtakpan ang alegasyon ditong paglabag sa batas ng bansang Pilipinas at pambababoy sa Subic Bay, magkano kaya ang ibinibigay ni Ms. Carolyn sa kapatid niyang si William para maglubid ng buhangin at siraan ang Subic Media at si Sen. Legarda?

Lalabas sa Enero ang resulta ng imbestigasyon ng Senado at sisimulan naman ang sa Kongreso kaya hindi pa tapos ang isyu.

***

Dapat nang busisiin ang obligasyon ng Subic Water sa paggawa ng “sewerage system” ng Olongapo City at Subic Freeport.

Ito ang Totoo: kasama sa obligasyon ng Subic Water batay sa kontrata nito, na gumawa ng “Sewerage System” hindi lamang sa Freeport kundi pati sa Olongapo.

Kaya nga Subic Water & Sewerage System ang pangalan dahil kasama ang sewage sa trabaho nito pero sa supply ng tubig at pagsingil sa mamamayan lamang nakatutok.

Magdadalawampung taon na buhat nang makuha ang kontrata ay hindi man lang sinisimulan ng Subic Water ang obligasyon.

Sa harap ng mga banta sa Subic Bay ng polusyon tulad ng pambababoy ng Glenn Defense Marine Asia, kailangan ring pagtuunan ng pansin ang nanggagaling sa mga kabahayang nakahilera sa gilid ng mga ilog ng Olongapo na ang mga kubeta ay direktang nakakonekta sa tubig na dumadaloy papuntang Subic Bay.

OK pa ngayon ang tubig ng Subic Bay pero kung hindi maaabatan ang polusyon, maaaring mauwi ito tulad ng Manila Bay. Ito Ang Totoo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply