Biyahe ng mga sasakyang pandagat, kinansela dahil kay Pablo

IPINAGBAWAL ng Philippine Coast Guard (PCG) ang lahat ng biyahe ng sasakyang pandagat na maglalayag sa mga lugar na apektado ng bagyong Pablo.

Ito ay kasunod ng  pagtaas ng public storm warning sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.

Sinabi ni PCG spokesman Armand Balilo, dapat sundin ang mga panuntunan upang maiwasan ang aksidente sa karagatan.

Nabatid na ang  mga lugar na nasa signal number 1 at 2 ay mahigpit na pinagbabawalan na lumayag sa karagatan ang mga sasakyang dagat.

Sinabi pa ni Balilo, maging ang mga cargo vessel mula Maynila patungong lalawigan na may storm warning ay bawal na ring maglayag upang maiwasang maabutan ng bagyo sa gitna ng paglalayag.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply