BJMP personnels, kanselado ang ‘leave of absence’

UPANG walang maikasang jailbreaks sa pagsalubong sa Bagong Taon, kinansela kaninang umaga (Disyembre 30) ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pagliban sa trabaho o ‘leave of absence’ ng kanilang mga jail guards.

Sinabi ni BJMP officer-in-charge Chief Superintendent Diony Mamaril na inaasahan niya na ang lahat ng kanyang mga opisyal at personnel ay nasa kani-kanilang posisyon simula Disyembre 28 hanggang Enero 2.

Inatasan na rin ni Mamaril ang lahat ng BJMP regional directors na magkasa ng sopresang inspeksyon partikular sa mga nabanggit ng mga araw upang maiwasan ang pagtakas ng mga preso.

Binalaan nito ang lahat ng jail wardens na mahuhuli sa akto na wala sa kanilang posisyon ay masisibak sa kanilang puwesto.

Hindi naman inaalis ng BJMP ang posibilidad na sasamantalahin ng mga preso ang likha ng ingay ng mga paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon para ikasa ang kanilang pagtakas.

Samantala, sinabi ni Metro Manila police head chief Supt. Leonardo Espina na kalahati ng kanyang mga tauhan ay nasa kani-kanilang posisyon upang bantayan ang aktibidades at insidente na may kaugnayan sa New Year revelry.

Pinababantayan din ni Espina sa kanyang mga police personnel ang mga illegal firecrackers at pagpapaputok ng baril para salubungin ang Bagong Taon.

Nauna rito, ipinagbawal ni Espina ang paginom sa mga kalsada at lansangan dahil humahantong ito sa kaguluhan o rambulan.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply