BoC boundary kay Biazon

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEB

MAAYOS ang kinitang buwis ngayong taon mula sa mga lumabas at pumasok na produkto sa bansa dahil sa pagiging mahusay ng pamamalakad ni Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon.

Kaya naman inaasahang magiging mas malaki ang kita sa susunod na taon sa kamay pa rin ni Biazon dahil tiyak na pawang magdedeklara na ng tamang buwis at kargamento ang mga dating tiwali at mandurugas na importer at exporter ng bansa.

Ito ay dahil sa ilang paraan ng mensahe na ipinarating sa kanila ni Biazon na wala siyang sisinuhin at totohanan ang kanyang kampanya tungo sa “tuwid na daan.” Malaki na ang takot kay Biazon ng smugglers kung kaya’t inaasahang lalaban na ang mga ito nang parehas sa Aduana.

Sulit ang pasuweldo ng gobyerno kay Biazon dahil makikitang talagang nagtatrabaho ito upang ayusin at patinuin ang tanggapang itinuturing noong mga nagdaang administrasyon na pinakatiwali. Ngayong unti-unting nalilinis ni Biazon ang kanyang tanggapan at dahil nakitaan ng magandang halimbawa ang kanilang amo ay pawang sumunod na ang mga tauhan nito.

Malaki ang buwis na kinita ng pamahalaan mula sa koleksyon ng BOC nang maging hepe si Biazon dahil nga sa pumapasok na sa kaban ng bayan ang pera sa halip na sa bulsa ng mga tiwali at magnanakaw na tauhan ng BoC.

Hindi na rin makaporma ang mga magnanakaw at mandurugas na smuggler kung kaya’t lahat ng kalakaran sa Aduana ay nagiging ligal na. Hindi na puwede ang mga palusot dahil tiyak na magagalit si Biazon at hindi paliligtasin ang mga gumagawa ng kalokohan.

Dahil sa rami ng huli mula nang maupo bilang commissioner ng BOC si Biazon, mangilan-ngilan na lang ang inaasahang magpapalusot ng kanilang mga kargamento sa susunod na taon dahil batid nilang walang patawad ang anak ng dating Senador Biazon na kilalang isang disciplinarian.

Kaya para magtuloy-tuloy ang nasimulang good performance ni Biazon ay bigyan natin siya ng matinding pagsalubong sa susunod na taon. Isang masigabong palakpakan para sa mahusay na opisyal ng administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Mabuhay ka, Commissioner Biazon.

Sa lahat po ng mambabasa ng Remate, isang Maligayang Pasko sa ating lahat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply