BoC huwaran: Pulis na hoodlum ‘wag tularan

pakurot

HALOS araw-araw, laman ng mga pahayagan ang mga krimen na hindi naman bunga ng kahirapan kundi dala ng paggamit ng bawal na gamot na naglalagay ng kademonyohan sa utak ng gumamit nito.

Kaya naman alerto ang Bureau of Customs (BoC) sa pamumuno ni Commissioner Ruffy Biazon sa mga drug mule na ginagamit ng international drug syndicate upang makapagpasok ng droga sa bansa.

Dahil buko na ang estilo na pagsisiksik ng shabu at mga kauri nitong bawal na gamot sa mga bagahe, ginagamit na rin ang katawan ng tao, halimbawa’y puwet o dibdib, upang makapagpalusot nito.

Subalit dahil sa modernong teknolohiya, hindi na makalulusot sa mga tauhan ng BoC na akala moý convenience store dahil sa 24/7 na pagbabantay ang mga nagpupuslit ng droga, gamit ang Ninoy Aquino International Airport kung saan ang pinakahuli ay itong si Pham Thin a nagpanggap na isang Pinay.

Dumating sa Pilipinas ang Vietnamese lulan ng Gulf Air mula Ghana, Africa na dumaan sa Bahrain at nabuko itong hindi Pinay nang  isailalim ni Customs District Collector Carlos So sa pagtatanong.

Dahil buking ni So na dayuhan, tinanong niya ito sa ating sariling wika kaya’t hindi nakalusot, kasama ang ipupuslit sanang dalang epektos na tinatayang kulang-kulang sa 3 kilo o P15 milyon ang halaga.

Naging mabilis naman ang pakikipag-ugnayan ng BoC sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaya’t kulungan ang bagsak ng dayuhan.

Tularan sana ng ibang tanggapan ng pamahalaan ang pagiging masikhay ng BoC upang kontrolin ang pagkalat ng droga sa bansa para sa kapakanan ng mga mamamayan, partikular ang kabataan.

Muli sa BoC, tuloy-tuloy lang po ang trabaho at marami pang papuri at paggalang ang matatanggap ninyo mula sa mamamayan dahil sa patuloy ninyong paglipol sa mga salot ng lipunan.

* * * * * * * *

Sinabi ni Manila Mayor Alfredo S. Lim noong kaarawan ni Gat Andres Bonifacio na ang lungsod na kanyang pinaglilingkuran ay para lang sa mga bayani at hindi sa mga hoodlum.

Tama ang sinabi ng alkalde subalit tama rin ang sagot sa kanya ng isa sa mga anak ng kanyang pinatatamaang si dating Presidente Joseph Estrada na maraming hoodlum sa Maynila ay ilan sa mga ito ay pulis.

Isa na rito ang hepe ng Manila Police District-homicide section na si Sr. Insp. Joselito de Ocampo na naging habit na  ang pagtumba ng preso na sinasabing nagtangkang mang-agaw ng baril.

Lumang tugtugin na ang gawi ni De Ocampo. Sarhento pa lang siya ay madalas na niyang gawin iyan nang sa theft and robbery section pa lang siya nakatalaga at hindi pa opisyal.

Masamang tao man ang pinatay nila, hindi pa rin tama na ang mga pulis ang maging batas na magsasabi na maysala ang isang preso.

Makasisira sa malinis na pangalan ni Mayor Lim ang kalawang na tulad ni De Ocampo na ipinagmamalaki pang gagantipalaan siya ng alklade kaya premyo niya ang Blumentritt police precinct sa pagkakaroon ng rigodon ngayong Disyembre.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply