‘Bopha,’ papasok na sa PHL mamaya

POSIBLENG pumasok  na mamayang gabi o bukas ng umaga sa Philippine
area of responsibility (PAR) ang typhoon Bopha na tatawagin naman
bilang bagyong Pablo, ito ang pagtataya ng Philippine Atmospheric,
Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)

Dahil dito inalerto na PAGASA, ang mga residente sa buong Visayas at
Northern Mindanao sa papalapit malakas na bagyong Pablo.

Ayon kay Chris Perez ng Pagasa, huling namataan ang naturang sama ng
panahon base sa satellite and surface data sa layong 1,380 kilometro
sa silangan ng Southern Mindanao (5.8°N,138.8°E).

Taglay nito ang maximum sustained winds na 175 kilometro kada oras at
pagbugsong 210 kilometro bawat oras.

Kumikilos ito ng pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro
kada oras.

Samantala, ang Aurora, Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas at
Mindanao ay magkakaroon ng bahagyang kaulapan at mga pag-ulan ngayong
maghapon.

Pero hindi pa umano ito epekto ng paparating na bagyo dahil lubhang
malayo pa sa Pilipinas ang nabanggit na sama ng panahon.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay maaliwalas
naman ang papawirin at maliit ang tyansa ng anumang pag-ulan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply