Botohan sa 7 OAV post gagawing automated

comelec-3

MAGDARAOS ng automated polls ang Commission on Elections (Comelec) sa pitong overseas absentee voting (OAV) post sa taong 2013.

Ayon kay Comelec Commissioner Lucenito Tagle, chairman ng Committee on Overseas Absentee Voting, kabilang sa mga lugar na pagdarausan ng automated OAV ay ang Hong Kong, Singapore, Abu Dhabi at Dubai sa United Arab Emirates, Riyadh at Jeddah sa Saudi Arabia, at ang Kuwait.

Aniya, ang mga naturang lugar ay pinili base sa dami ng rehistradong OAV.

Nabatid na ang Hong Kong ay may 19,760 registered voters, ang Singapore ay may 9,143, ang Dubai ay may 22,374; ang Kuwait ay may 11,194; ang Riyadh ay may 9,560; ang Abu Dhabi ay may 5,388; at ang Jeddah, ay may 1,591.

Sinabi ni Tagle na nagdesisyon silang gawing automated ang halalan sa mga naturang lugar upang dumami pa ang mga botante.

Maglalaan umano ang poll body ng 37 precinct count optical scan (PCOS) machines para sa naturang pitong polling places.

Noong 2010 elections, sa Hong Kong at Singapore lamang naging automated ang halalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply