Botohan sa RH bill itutuloy mamaya; prayer vigil vs panukala, kasado na

NAKATAKDA ngayon ang ikalawang araw para pagbotohan sa Kamara ang kontrobersyal na Reproductive Health bill.

Una nang nagpulong ang mga Kongresista na nasa ilalim ng Liberal Party
para pag-usapan ang kahihinatnan ng RH bill.

Nabatid na nagpatawag ng pulong ang liderato ng Kamara para alamin ang pulso ng kanilang mga kasamahan hinggil sa panukala.

Hindi pa napagbobotohan sa Kamara ang RH bill sa kabila ng naunang paki-usap ni Pangulong Benigno Aquino na isulong ang panukala.

Samantala, patuloy ang isinasagawang prayer vigil ng Simbahang Katolika bilang tugon sa pagkontra sa kontrobersiyal na panukala sa The Shrine of Our Lady of Guadalupe.

Nagsimula ang vigil kagabi at inaasahang magpapatuloy sa mga susunod pang araw.

Kasabay nito ang pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Guadalupe na isang misa ang isasagawa mamayang alas-12:00 ng tanghali.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply