Botohan sa RH Bill sa Kamara nagpapatuloy

anti-rh

NANANATILI sa plenaryo ang ilang obispo ang simbahan upang saksihan ang botohan sa Reproductive Health bill anumang oras ngayong gabi.

Nauna nang naging makulay ang plenaryo ng Kamara sa ginaganap na amendment sa panukala dahil sa magkabilang kampo ng pro-RH at anti-RH.

Umaga pa lamang ay nagtipon-tipon na sa South wing gate ang mga pro RH na nakasuot ng purple samantalang sa North wing gate naman ay ang mga hindi pabor sa nasabing panukalang batas na pawang naka-pula.

Dumating  sa plenaryo upang makita ang botohan ay sina Archbishop Ramon Arguelles(Lipa,Batangas), BishopsTeodoro Bacani Jr,(Bishop emeritus,Novaliches),Roderick Pabillo(Manila auxulliary),Jesse Mercado(Paranaque),Honesto Ongtioco (CUbao),Gabby Reyes (Antipolo) at Masgr. Clemente Ignacio (rector Quiapo church)

Habang isinasagawa ang amendment na nasa page 16 pa lamang sa kabuuang 27 pahinang panukala ay patuloy naman ang pangungumbinsi ng pro-RH solons sa may 48 pang undecided na bomoto at paboran ang panukala.

Inaasahang maipapasa sa second reading ang panukala at sa Lunes naman ay ipapasa ito sa third reading.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply