BPO apektado ng paglakas ng piso kontra dolyar

NAAPEKTUHAN na ng paglakas ng piso kontra dolyar ang operasyon ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.

Ayon sa Business Processing Association of the Philippines, batay sa isinagawang survey, 46.7% ng respondents ang nagsabi na nahihirapan ang kanilang kumpanya na mag-operate dahil sa paglakas ng piso.

Samantala, 2/5 naman ng respondents ang nagsabi na malaking bahagi ng kanilang negosyo ang napunta sa ibang BPO destinations, tulad ng India.

Kaugnay nito, 40% naman ang nagsabi na hindi na muna itinuloy ang kanilang planong expansion dahil sa pagbaba ng dolyar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply