Brgy captain sa Naga City nagbaril sa sarili

NAGBARIL sa sarili ang isang tserman sa loob mismo ng barangay hall sa Naga City, Camarines Sur, kaninang umaga (Disyembre 4).
Ang biktimang si Barangay Liboton captain Alex Nero, na pangulo rin ng local association of Barangay Councils at representante rin ng Barangay Captain ng Naga City council ay nagtamo ng isang tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre sa kanang sentido at namatay noon din.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong alas 6:30 ng umaga sa loob mismo ng Liboton barangay hall.
Ayon sa imbestigasyon, nitong nakaraang Lunes, ay nagpalipas ng gabi ang biktima sa loob ng naturang barangay hall sanhi ng problema sa pamilya.
Kinabukasan ng umaga,  nasorpresa na lamang ang lahat ng mga residente nang matagpuang patay na ang biktima.
Ayon sa mga residente, wala naman silang narinig na putok ng baril.

Gayunman, hindi naman isinasantabi pa ng pulisya nay may foul play sa pagkamatay ni Nero na ayon sa mga nakakakilala ay isa itong mabait na tao.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply