Brgy. chairman todas sa ambush, anak sugatan

AGAD namatay ang isang barangay chairman sa Mexico Pampanga, at sugatan naman ang anak nitong miyembro ng Sangguniang Kabataan, nang tambangan ng riding in tandem kaninang magtanghali sa naturang lalawigan.

Nakilala ang nasawi na si Jose Gonzales Jr., kapitan ng Barangay Parian, at ang sugatan niyang anak ay SK member na si Jason Gonzales.

Sakay ng barangay patrol ang mag-ama dakong alas-11:00  ng umaga galing sa Brgy. San Miguel papunta sana sa Brgy. Poblacion nang harangin ng dalawang suspek sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang mga biktima.

Agad namang isinugod sa ospital sa San Fernando, Pampanga ang batang Gonzales.

Nagsagawa na ng checkpoint at Oplan Galugad ang Mexico PNP upang madakip ang mga suspek na tumakas matapos ang pamamaril.

Hindi pa batid ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply