Brgy kagawad todas sa parak

AGAD na sumuko ang isang parak makaraang barilin nito at mapatay ang isang barangay kagawad sa public plaza ng Calinog, Iloilo.

Kasalukuyang nakakulong ngayon sa Calinog Municipal Police Station ang suspek na si PO2 Beverly Lorelia, nakadestino sa San Rafael Municipal Police Station.

Nabatid na dumalo sa isang reunion kasama ang kanilang batchmates sa high school ang suspek na pulis at ang biktima na si Brgy. Kgwd. Delfin Celo III, 35, ng Casa St. Poblacion, Ilaya, Calinog, Iloilo.

Matapos ang reunion ay nagkayayaan ang suspek at biktima na mag-inuman pa sa plaza.

Ngunit nang magpapaalam na ang pulis ay hindi umano ito pinayagan ng biktima dahilan upang magtalo ang dalawa at magbunot ng baril ang suspek.

Tinamaan ng bala ng baril sa leeg, mukha at tagiliran ang biktima na ikinamatay nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply