Brgy. officials may lump sum retirement pay

HINIKAYAT ni Senador Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang Kongreso na bigyan ng lump sum retirement pay ang halos 700,000 barangay officials at workers.

Ang panawagan ni Marcos, chairman ng Senate Committee on Local Government, ay nakapaloob sa kanyang sponsorship speech para sa House Bill No. 6557, kaugnay ng Senate Bill No. 3187, na naglalayong ibigay ang naturang benepisyo sa mga barangay official.

“Your committee on Local Government recognized the basic premise that barangay officials are inadequately compensated by the government, and thus there is a need to fill that inadequacy,” ayon kay Marcos.

Napuna ng senador na pinakamababa ang tinatanggap na sahod ng mga barangay officials kumpara sa ibang government employees bagama’t may kaakibat ng panganib ang kanilang trabaho.

Sa ilallim ng panukala, na amendment sa Section 393 ng RepublIC Act 7160 o ang Local Government Code of 1991, ang mga opisyal ng barangay ay mabibigyan ng lump sum retirement pay katumbas ng kanilang sahod o honorarium sa loob ng isang taon, ngunit hindi lalagpas sa P100,000.

Kabilang sa mga makatatanggap nito ay elective barangay officials, barangay tanod, miyembro ng Lupon ng Tagapamayapa, barangay health worker, at barangay day care worker.

Nakapaloob din sa panukala na ang mga entitled sa nasabing benepisyo ay dapat 60 years of age at may minimum 9 years of service kapag sila ay nagretiro.

Para maibigay ang benepisyo, inirekomenda ni Marcos ang pagtatayo ng Barangay Retirement Fund (BRF) na popondohan ng 1 percent mula sa National Internal Revenue (IRA) share ng mga local government unit. Ang Department of Interior and Local Government ang mangangasiwa sanasabing pondo.

Iginiit ni Marcos na nararapat lamang na isabatas ang nasabing panukala dahil sa hindi lamang umano ito kompensasyon sa mga nagretirong barangay official kundi pagkilala na rin sa paglilingkod na naibigay nila sa kanilang mga nasasakupan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply