Briton, anak sinuwag ng kotseng minamaneho ng Koreano sa Cebu

NAGKALASOG-LASOG ang katawan ng isang British national habang sugatan naman ang anak nito nang suwagin ng kotseng minamaneho ng isang Korean national sa Cebu nitong nakaraang Biyernes ng gabi madaling (Disyembre 7).

Dead on the spot sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si David Michael Jowett, 55-anyos.

Isinugod naman sa North General Hospital sanhi ng tinamong kapansanan sa ulo at katawan din ang anak ni David na si Jett Fuentes, 15-anyos.

Dahil nagtamo rin ng sugat at pasa sa iba’t ibang parte ng katawan, dinala muna sa Cebu City Medical Center ang suspect na si Jung Su Yung, 47-anyos residente ng Lower Tawason, Mandaue, Cebu bago ito ikulong at kasuhan at para na rin i-eksamin kung ito ay nasa impluwensiya ng alak.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, , naganap ang insidente dakong alas 10:25 nitong Biyernes ng gabi sa Borbaho St., Barangay Talamban, Cebu.

Ayon sa pulisya, bago ang insidente ay magkasamang naglalakad sa gilid ng kalsada ang mag-ama nang bigla na lamang suwagin ng kotseng minamaneho ni Jung na pinaniniwalaang lasing.

Dumiret-diretso rin ang sasakyan ng suspect sa isang center island kaya ito rin ay nasaktan.

Iniahanda na rin ng pulisya ang kasong reckless imprudence resulting to homicide at serious physical injury laban kay Jung.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply