Bryant pumitik ng 30K

kobe

NAGISING ang Los Angeles Lakers mula sa bangungot matapos tambakan ang mahinang New Orleans Hornets, 103-87 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Umiskor ng 29 si Kobe Bryant upang ilista ang 30,000 points sa kanyang paglalaro sa NBA at putulin ang two-game skid ng Los Angeles.

Binangungot ang Lakers sa Orlando Magic, 103-113 at sa Houston Rockets, 105-107 kaya naging usap-usapan sila kung tunay bang malakas ang kanilang koponan.

Bago nag-umpisa ang laro ay 13 puntos lang ang kailangang gawin ni Bryant para maging pang-limang player sa NBA history na maka score ng 30K.

Abante pa ng tatlo ang Hornets sa first quarter, 23-20 at sa half time, 48-47 subalit sa third canto ay nag-umpisa na si Bryant na pasanin ang Lakers para mapaganda ang kanilang team standing sa 9-10 panalo-talo karta.

Nagsumite si Laker star center Dwight Howard ng 18 points, walong rebounds at limang blocks upang punan ang pagkawala ni Pao Gasol.

Nag-ambag din si Antawn Jamison ng 15 markers habang dumagdag si Meta World Peace ng 11 pts. At siyam na rebounds.

Si Ryan Anderson naman ang nanguna sa opensa para sa Hornets na may tinikadang 31 points at nine boards.

Samantala, kamuntikang masilat ang New Yorks Knicks dahil dalawang puntos lang nilang tinalo ang Charlotte Bobcats, 100-98.

Sa ibang NBA resulta, nagwagi ang Boston Celtics sa Minnesota Timberwolves, 104-94 habang sinuwag ng Chicago Bulls ang Cleveland Cavaliers, 95-85.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply