Bubble Gang, dumaraan sa masusing pag-aaral ang bawat portion na ginagawa sa programa

NASA 17th year na ngayon ang Bubble Gang, di pa rin sila nawawalan ng bagong pakulo sa programa na matagal pinag-aaral ng mga writers at consultants na tulad nina Michael V at Ogie Alcasid bago nila ilabas ang bagong portion.

Ayon kay Michael V, marami silang plano ni Ogie na gusto nilang ipasok na portion. Di ito na-approve ng mga writers ng show dahil hindi raw puedeng palawakin ang tema. Kailangan ng show ang portion na puedeng tumagal ng mahabang panahon na nakagagawa ng nakakatuwang sitwasyon.

Sa BG ngayong Friday ay panauhin sina Chariz Solomon at Ryza Cenon. Parehong seksi ang dalawa kaya sila ang paglalaruan sa gag na tungkol sa di pagsipot sa datings.

Ang spoof naman nila na ngayon ay supported na rin ng sponsors ay ang Magic Flakes ni John Lloyd Cruz. Siyempre, di mawawala ang Pick Up Line na battle tungkol sa pagliligaw ng babae.

Balik rin ang Ang Dating Doon, ang isa sa pinakamatagal nilang portion.
Tampok ang bagong portion na Hanggang sa Huling Cheese.

000

Jaime Acosta, Natuwa sa 15 Miss Earth Candidates na bumisita sa kanya dahil natural at walang kaartehan sa katawan

NATUWA ang president ng Psamstre Enterprise na si Jaime Acosta sa 15 candidates ng Miss Earth 2012 na bumisita sa office at planta ng New Placenta at Olive-C soap sa Taytay, Rizal. Kasi, ang 15 candidates ay walang kaartehan sa buhay.

Kahit magkakaiba ng lahi na masasabi, masarap kausap, behave at natuwa sa Pinoy foods na kanyang inihanda sa mga kandidato. Wala rin silang pakialam na magpu-pose sa staff ng Psamstre Enterprise.

Sa labinlimang candidates na dumating sa Psamstre office, tatlong candidates ang nagustuhan nang husto ng mga empleyado. Kabilang rito si Miss Croatia, Miss, Argentina at Miss Crimea.

Nagustuhan ng staff si Miss Croatia dahil sa magaling magsalita ng English. Bukod pa rito, may lima pa siyang wikang kayang salitain. Si Miss Argentina naman ay very fresh at may amazing look na babalik-balikan ng tingin. Ang Miss Crimea naman ay super ganda ng mukha na parang manika.

Habang nasa planta ang Miss Earth Candindates, masayang nakinig sa paliwanag ng Psamstre brand speaker tungkol sa benepisyo at ligtas na sangkap ng nasabing mga produkto.

Taun-taon ay sponsor ng Miss Earth ang Psamstre dahil naniniwala si Mr. Acosta sa advocacy na protektahan ang Inang Kalikasan. Gumagamit sla ng natural extract materials para sa kanilang produkto kaya mahalaga sa kumpanya ang kalikasan.

000

Bela Padilla, Tuwang-tuwa sa pagtaas ng ratings ng Magdalena

HAPPY na ang mga namamahala ng soap opera na Magdalena ng GMA 7 dahil lumalaban na pala ang programa sa pagi- ging no. 2 sa mga afternoon soaps ngayon. Di pa rin matinag ang natamong papuri ngayon kay Bela dahil kayang-kaya na niyang magdala ng show.

Habang tumatagal si Bela sa Magdalena, nakikita ang malaking improvement niya sa acting. Bukod pa rito, nahaha sa na siyang talaga sa hagulgol na iyakan.

Idol na nga siya ngayon ng mga babae sa club. Kasi, sa istorya, hindi siya mananatiling bayaran. Bagkus, maka-aahon siya bilang modelo.
Tutulungan siya ni Pancho Magno, na isa ring modelo sa story. Mai-in love sa kanya si Pancho habang si Dion Ignacio ay wala sa buhay ni Bela.

Si Ryan Eigenmann naman ay lalaking nagpapanggap na tutulong kay Bela pero dadalhin rin pala iya nito sa prostitution.

Anyway, sa tagal ng taping ni Magdalena, unti-unting nagiging compassionate si Bela sa katulad niyang babae na ang buhay ay minsang napariwara nang hindi nila kagustuhan. Pagkakataon lang kumbaga!

Kamakailan lang, nag-charity event si Bela sa Women’s Crisis Center sa East Avenue Medical Center. Dahil sa kanyang role sa afternoon prime show na Magdalena, naging daan ito upang tumulong si Bela sa mga na- ging biktima ng iba’t ibang klase ng pang-aabuso.

Natutuwa si Bela dahil marami siyang matutulungan at sa kanyang bagong advocacy, pag walang taping ay bibisita siya rito upang magbigay ng counselling sa kanila. Ipinahayag rin ni Bela na magiging beneficiary na niya ang WCC sa susunod niyang mga projects.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply