Buhay ni Pacman isasama sa curriculum

ISAMA na sa curriculum ng mga estudyante ang buhay ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Nakapaloob sa House Resolution 2946 na inihain ni Bacolod City Rep. Anthony Golez na hinihimok niya ang Department of Education na isingit sa curriculum ng mga grade school students ang buhay, karera at karangalang natamasa ni Pacquiao.

Ipinaliwanag ni Golez na isang icon at modelo ng mga kabataan si Pacman.

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga estudyante sa mga karanasan, pagpapakumbaba at pagsisikap ni Pacquiao kaya naabot pagiging world renowned sports icon, mas mai-inspire ang mga kabataan na maging matagumpay sa buhay.

Mananatili aniyang kampeon para sa buong sambayanang Pilipino si Pacquiao, sa kabila ng hindi inaasahang pagkatalo nito sa Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez.

Matatandaang si Golez ang nagsulong noon sa Kamara na gawing national artist si superstar Nora Aunor.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply