Bukidnon councilor, pinagbabaril todas

NAGSISIMULA na ang mainit na pagtutungali ng mga magkakalaban sa politika nang pagbabarilin ng di pa kilala salarin ang isang kandidato sa pagka-konsehal sa bayan ng Bukidnon kahapon.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang mastermind sa pagpatay kay Manolo Fortich Bukidnon, councilor Diosdado Ditona na walang awang pinagbabaril sa loob ng kanyang sasakyan dakong alas 6:00 kahapon ng umaga.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang biktima ay galing sa Barangay Dalirig at pauwi na sana sa Barangay Tankulan, nang tambangan ng hindi pa nakikilang mga suspek sa Mangima Road.

Pinag-aaralan pa ngayon ng Manolo Fortich Police ang anggulo ng away sa lupa, third party, at pulitika dahil re-electionist si Ditona at tatakbo bilang independent candidate.

Narekober sa crime scene ang pitong bala ng pinaniniwalaang .9mm caliber pistol.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply