Bulls suwerte sa road games

KAHIT wala si star player Derrick Rose ay nagagawa pa ring manalo nang manalo ang Chicago Bulls sa nagaganap na regular season ng 2012-13 National Basketball Association.

Sinuwag ng Bulls ang ika-apat na sunod na road wins matapos kaldagin ang Philadelphia 76ers, 96-89 kaninang umaga.

Muling nanguna sa opensa si Joakim Noah nang magtala ito ng 21 puntos, pitong rebounds at limang assists para ilista ng Bulls ang 12-9 win loss slate at masolo ang top spot sa Central division ng Eastern Conference.

”We’ve been fighting all year, but we’ve let a lot of games slip,” wika ni Noah. ”But there’s a lot of basketball left and we have to keep playing like this. Back-to-back can be tough if you let it. We fought hard and we had everyone here contribute. That’s what you need and I thought we were resilient. We went to the basket hard and we went to the glass hard.”

Bumak-ap sa puntusan sina Luol Deng at Marco Bellinelli na may 19 at 16 markers para sa Chicago ayon sa pagkakasunod.

Si Jrue Holiday bumira ng maraming puntos para sa Sixers.

May 26 pts., nine assists at five rebounds si Holiday habang nakatuwang niya sa opensa sina Evan Turner at Thaddeus Young na may 16 at 13 markers.

”We just have to continue to execute and put our pulse on the game early,” ani T. Young. ”If we do that, we’ll be fine.”

Samantala, nawala ang init ng Miami Heat matapos silang palamigin ng Golden State Warriors, 95-97.

Sa ibang NBA resulta, kinuryente ng Oklahoma City Thunder ang New Orleans Hornets, 92-88 habang kinalos ng Boston Celtics ang Dallas Mavericks, 117-115 sa double overtime game.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply