Bulls vs Pacers sinalto ng Snowstorm

NAUDLOT ang tinataya sanang magandang laban sa pagitan ng Indiana Pacers at Chicago Bulls dahil sa snowstorm na tumama sa Indianapolis area.

Inanunsyo ang postponement kaninang umaga, (Miyerkules ng hapon sa Amerika) ilang minuto bago ang tip-off ng Pacers at Bulls sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association (NBA) regular season.

Wala pang petsa kung kailan lalaruin ang nasabing naudlot na laro.

Nasa top spot ng Central Division ang Pacers tangan ang 16-12 win-loss slate habang nasa likuran nila ang Bulls hawak ang 15-12 baraha.

Nakakapit naman sa pang-apat na puwesto sa Eastern Conference ang Pacers at pang-lima naman ang Bulls.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply