Bully na helper todas sa saksak sa Binondo

DAHIL sa pambu-bully, isang stay-in helper ang  binawian ng buhay matapos saksakin nang napikon na kasamahan sa Binondo, Maynila.

Namatay  habang ginagamot sa Jose Abad Santos Hospital si Alfred Arota, stay in helper sa Divisoria mall sa Binondo, Maynila sanhi ng saksak sa katawan.

Arestado naman ang suspek na si Jerick Cruz, 18, stay-in helper sa nasabi ring mall at residente ng Tabora St., Tondo, Maynila, alas 2:30 kaninang madaling araw sa isang bahay sa kanto ng Del Pan at Muelle Dela Industria, Binondo.

Sa report ni PO2 Richard Limuco ng MPD-hs, alas-12:30 ng hapon nang naganap ang insidente sa harapan ng Divisoria Mall sa Tabora St., Binondo, Maynila.

Ayon pa kay Limuco, matagal nang inaasar ng suspek  ang biktima kaya nang muli silang magkita ay nauwi na ito sa matinding pagtatalo hanggang sa sinaksak ng una ang huli na nagresulta ng kamatayan ng biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply