Bumbero arestado sa pagtutulak ng shabu

tiklo

NAARESTO ng mga tauahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang bumbero na nagsa-sideline sa pagbebenta ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa General Santos City.

Kinilala ni PDEA Director General Arturo Cacdac, Jr. ang suspek na si Fire Officer 3 Luisito Motong, 50, ng Sampaguita Street, Barrio Bla’an, Barangay Labangal, General Santos City.

Nabatid na si Motong ay isang aktibong miyembro ng pamatay sunog sa General Santos City Fire Station.

Nabatid na isang ahente ng PDEA ang nagkunwaring bibili na droga kay Motong noong gabi ng Disyembre 12 malapit sa gusali ng Bureau of Fire Protection’s station na nasa Santol Street, Brgy. Dadiangas North.

Napag-alaman na ang suspek ay isang kilabot na drug pusher sa naturang lugar.

Nahaharp sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II, of Republic Act 9165, mas kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply