Buntis na dalagita nilason ng nobyo

NASA malubhang kalagayan ngayon ang 16-anyos na dalagita matapos painumin ng lason ng kanyang nobyo nang malamang buntis ng apat na buwan.

Ayon sa pahayag ng tatay ng biktimang itinago sa pangalang Neri, ng Lezo, Aklan, pumunta sa bahay ng kanyang 21-anyos na nobyo ang biktima para ipaalam na buntis ito, pero sa halip na ikatuwa ay hindi ito matanggap ng lalaki.

Kaya para makaiwas sa responsibilidad ay pinainom ng suspek ng pesticide ang dalagita.

Pero nang mainom na ng dalagita ang lason ay nakaramdam na ito ng matinding pagkahilo at pagsusuka.

Sa ngayon ay under observation pa ang biktima sa provincial hospital at hindi pa malaman kung naapektuhan ang bata sa kanyang sinapupunan.

Posible namang kasuhan ng pamilya ng menor de edad ang nobyo nito dahil sa pagpapainom ng lason sa biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply