Bus driver kritikal sa nakagitgitang driver

emergency

PATAWIRIN ngayon ang isang bus driver matapos saksakin ng nakagitgitang driver sa Caloocan City, Huwebes ng umaga (Disyembre 27).

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital si Jeffrey Toledo, 43 ng Hagonoy, Bulacan, sanhi ng saksak sa katawan.

Nadakip naman si Eduardo Calubaquib, 39 ng Libis Espina ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga, nakagitgitan ng biktima ang suspek na may dalang truck sa Monumento ng lungsod.

Kapwa bumaba sa dalang sasakyan ang biktima at suspek na nagtalo hanggang sa manuntok si Espina.

Sinakal pa ng biktima ang suspek at nang makawala ay tumakbo sa dalang truck subalit sinundan pa ito ng biktima.

Nang makakuha ng patalim si Espina ay inundayan ng saksak ang biktima hanggang sa magdatingan ang mga traffic enforcer.

Dinala ang biktima sa MCU habang idineretso ang suspek sa presinto kasama ang ginamit na kutsilyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply