Bus drivers nalito sa MMDA segregation scheme

bus-segregation

NAGHATID ng kalituhan sa mga bus driver ang unang araw na pagpapatupad ng bus segregation scheme ng Metropolitan Manila Development Authority sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) ngayong araw.

Karamihan ng mga bus driver ay hindi nakakasunod at hindi humihinto sa mga designated bus station, partikular sa bahagi ng EDSA mula sa Kamuning, Quezon City hanggang Santolan. Kapansin-pansin na hindi nagsasakay at nagbababa ng mga pasahero sa mga designated na istasyon kung kaya nagdulot ito ng trapik patungo sa katimugang bahagi ng Edsa.

Sinabi naman ni MMDA Chairman Francis Tolentino, na inaasahan na magkakaroon ng pag-aalinlangan sa mga driver ang pagpapatupad ng bagong scheme.

Sa MMDA bus segregation scheme, ang mga bus na may marking na A at B ay doon lamang maaaring magbaba at magsakay ng pasahero sa kani-kanilang markadong bus stop.

Sa ilalim ng scheme, lahat ng bus na may marking A ay doon lamang titigil sa Southbound: Ermin Garcia, Arayat Cubao, VV Soliven, Connecticut, Shaw Starmall, Guadalupe, Buendia Ave., at Mantrade. Kung Northbound naman: Ermin Garcia, Cubao Farmers, Boni Serrano, SM Megamall, Shaw Blvd., Guadalupe, Buendia Ave. at Magallanes

Habang ang mga bus na may marking B ay doon titigil sa Southbound: Kamuning, Monte de Piedad, Main Ave., POEA Ortigas, Pioneer/Boni, Estrella,at  Ayala Ave. Kapag Northbound naman ay sa Baliwag/5Star, Main Ave., Ortigas Ave., SM Megamall, Pioneer/Boni, Estrella,at  Ayala Ave.

Kaugnay nito, mariing iginiit ni Tolentino na hindi nila papapasukin umano sa Edsa ang mga colorum na bus o iyong mga bus na walang maayos na stickers at marka.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply