Bus segregation scheme ng MMDA, ipatutupad sa Martes

MATAPOS maudlot ang pagpapatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bus segregation scheme, inaasahang itutuloy na ito sa Martes makaraang hindi natapos ang paglalagay ng “bus stop” sa ilang bahagi ng Kamaynilaan.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, sa ilalim ng bus stop segregation program ay maglalagay ng letrang A sa mga piling bus stops ang MMDA kung saan ang maaari lang magbaba at magsakay ng pasahero ay ang mga bus na biyaheng Alabang, letrang B naman sa mga bus na biyaheng Baclaran.

Ayon pa kay Tolentino, natukoy na at nakapagpamigay na rin ng MMDA ang abiso hinggil sa mga lugar na lalagyan ng bus stop A at B.

Dagdag pa nito, 60 porsyento sa mga Metro Manila bus ang nakabitan na ng sticker tags.

Samantala, hindi pa man tuluyang naipatutupad ang naturang programa ay mainit na ang ulo ng mga bus driver dahil sa tagal ng proseso ng MMDA sa bus segregation scheme.

Ayon sa ilang bus driver, imbes na makatulong, nagiging sagabal pa ang proseso ng bus segregation.

Ngunit ilang naman sa mga tsuper ang sumasang-ayon sa sistema ng MMDA na anila ay makakatulong din ito sa kanilang biyahe.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply