Bus vs bus sa Kyusi, 19 sugatan

emergency-2

SUGATAN ang 19 katao nang suwagin ng isang pampasaherong bus ang sumingit na isa pang bus sa westbound lane ng Commonwealth Avenue tapat ng Technohub, Biyernes ng umaga.

Sa imbestigasyon, lumitaw na ang Prado bus ang nakabangga sa sinusundang Jayross bus.

Paliwanag ng kundoktor nito, biglang pumasok sa kanilang linya ang Jayross bus kaya natumbok ng kanyang driver.

Dinala naman agad sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang karamihan sa mga sugatan na pawang pasahero ng Prado bus na biyaheng Quiapo-Fairview.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply