Buy and sell agent, patay sa ligaw na bala

PATAY ang isang buy and sell agent matapos maabutan at tamaan ng bala makaraan madapa upang makaiwas sa mga hindi pa kilalang apat na suspek sa Caloocan City kahapon, Disyembre 24.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa leeg si Alex Sy, 50 ng Balubaran, Malinta, Valenzuela City.

Batay sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon, naglalakad ang biktima papunta sa kaibigan na si Emeterio Degucena na kinokompronta ng mga suspek sa Teodoro st., Caloocan City.

Nang makita ng biktima na naglabas ng baril ang isa sa mga suspek ay tinangkang tumakbo papalayo subalit nadapa.

Dahil dito, mabilis na nalapitan ng gunman ang biktima at malapitan na binaril.

Matapos ang insidente ay tumakas na ang mga suspek kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang mga salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply