Cafgu, sibilyan, natagpuang patay, 1 pa kritikal

TATLONG araw matapos dukutin ng New People’s Army (NPA), natagpuang patay ang isang miyembro ng Citizen Armed Forces Auxiliary Unit (CAGFU) at isang sibilyan habang nasa kritikal naman ang isa pang Cagfu sa Tagkawayan, Quezon kaninang umaga (Disyembre 21).

Nagtamo ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga biktimang sina  CAA Andreano Lusanta, miyembro ng 9th Cagfu sa ilalim ng 85th Infantry Division ng Philippine Army at ang sibilyan na si Efren Galieza.

Kritikal naman sanhi rin ng tinamong tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isa pang biktima na si CAA Jeffrey Mendoza.

Sa ulat, natagpuan ang dalawang bangkay at ang sugatan na si Mendoza dakong 6 a.m. sa isang bisinidad sa Busegon Tagkawayan, Quezon.

Bago ang pagkakatagpo sa mga biktima, dinukot  sila ng mga  armadong rebelde sa ilalim ng isang Ka Alpi ng Bicol Regional Party Committee nitong nakaraang Disyembre 18 sa Barangay Cabatuan sa bayan ng Labo, Camarines Norte habang nasa charcoal mining activity

Ayon kay Lt. Eugene Batara ng 85th Batallion sa Southern Luzon Command, simula noon ay hindi na nakita pa ang mga biktima at kahit ang mga dumukot sa kanila ay hindi rin nagparamdam kung ipatutubos ang kanilang bihag sa kani-kanilang pamilya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply