Camanava ‘major collector’ at DoJ palpak sa Bilibid

burdado-jun-briones2

BURDADO ang unang naglabas kahapon ng pagdukot sa loob mismo ng RDC (Reception and Diagnostic Center) sa convicted prisoner na lider ng Ozamis robbery gang na si Ricky Cadavero.

Mas matindi kesa nangyari kay Rolito Go ang insidenteng ito, parekoy, dahil si Go ay dinukot habang nasa loob ng kanyang kubo sa labas ng pader at halos kasalamuha ang mga hindi preso.

Samantalang si Cadavero ay sa loob mismo ng pader kinuha habang tinututukan ang mga guwardya.

Mga alas-7:00 ng umaga ay may nagpa-calling na kay Cadavero kaya inihatid ito sa gate kung saan doon tinutukan ang mga guwardya at inagaw ang nasabing bilanggo.

Hindi tayo pwedeng linlangin, parekoy, dahil matagal ako sa RDC at kahit alamin ni Sec. De Lima ay hawak ko ang carpeta of prison records ng statistics section kaya alam ko na ang ganyang “high-risk” prisoners ay hindi maaring ilabas sa brigada at dalhin sa gate para lang sa “calling.”

Kumpleto ang “carpeta” sa impormasyon kung ano ang kaso at klase ng bilanggo kaya walang maikakatwiran.

Maliban lang kung masyado nang maluwag ang seguridad sa loob ng Bureau of Correction.

At ang ugat niyan, parekoy, ay ang paulit-ulit nating kinokondena na Dept. Order 982 ni DOJ Sec. Leila de Lima!

Sukat ba namang tanggalin lahat ang opisyal na Commander of the Guards (COG) at palitan ng mga pinakamababa ang ranggo o PG1.

Hangga’t hindi mo binabasura Sec. De Lima ‘yang D.O. 982 ay asahan mo ang mas malala pang mga mangyayari sa loob ng Bilibid!

-o0o-

MULA nang umupo ang bagong director ng Camanava na si C/Supt. Joel Alvarez ay nagsimula na ring umikot si Major Ricalde sa lahat ng mga iligalista para mangolektong!

Ang litanya, siya raw ang bagong bagman con collector sa buong Camanava.

Naku, ha, kung sa ibang istasyon ay may major problem dyan pala sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela ay may “major collector.” Major Ricalde, magkano naman ang remittance mo kay Gen. Alvarez kada Biyernes?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply